Advertisers
KUNTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa aksyon at mga panukalang inilalatag ng Kamara.
Ito ang ibinahagi ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa isang kalatas kasunod ng naging pulong nila nina House Speaker Alan Peter Cayetano, Senate President Tito Sotto kasama ang pangulo.
Sinabi ni Romualdez ito ay dahil sa kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga mambabatas sa kabila ng limitasyong dulot ng COVID-19.
Dagdag pa nito na nakakuha rin ng suporta ang kasalukuyang House Leadership na ipagpatuloy lamang ang pagsusulong nito ng legislative agenda ng presidente.
“The President was visibly pleased and had a brief huddle with that Speaker before leaving. The Majority Leader noted the President nodding with approval and clearly wanting the Speaker carry on with the priority legislative agenda of the Palace,” ani Romuladez.
Kasabay naman nito ay isang special committee ang inaasahang buuin ng Kamara para tuluyan nang wakasan ang red-tape.
Kung matatandaan, sa naturang pulong ay inihayag ng presidente ang pagkadismaya sa patuloy na pag-iral ng red-tape na nagpapahirap naman sa publiko.
Layunin ng komite na ito na maisulong ang mga panukalang batas na magsasawata sa red tape at korapsyon sa pamahalaan. (Henry Padilla)