Advertisers
AABOT sa mahigit sa P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong drug suspects sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Makati at Muntinlupa City nitong Sabado ng gabi at Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang mga nadakip na sina Romnick Basas, 32; Martin Garcia, kapwa nakatira sa #4516 Quintos St., Brgy. Poblacion, Makati City; at Ramond Calinog, 34, taga #168 T. Molina St., Purok 5, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.
Sa report, 12:15 Linggo ng madaling araw nang madakip ng operatiba ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sina Basas at Garcia sa Laperal Compound, Progreso St., Brgy. Guadalupe Viejo.
Nakumpiska kina Basas at Garcia ang nasa 120 gramong shabu na nagkakahalaga ng P816,000.00.
Samantala, 7:30 ng gabi ng Sabado nang madakip ng miyembro ng Muntinlupa City Police SDEU si Calino sa PNR Site, Brgy. Sucat sa buy-bust operation.
Nasa P686,800.00 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis mula kay Calinog.
Sa kabuuan nasa P1,502,800 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pulis. (Gaynor Bonilla)