Advertisers

Advertisers

Higit P2m marijuana bricks nakumpiska sa Mt. Province

0 249

Advertisers

AABOT sa mahigit P2 milyon halaga ng marijuana bricks ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bontoc, Mt. Province.
Labing pitong piraso ng marijuana bricks ang nakumpiska ng pinagsanib-pwersa ng PDEA at PNP sa Barangay Samoki.
Ayon sa PDEA – Cordillera Administrative Region, iniwan ang mga kahon sa waiting shed sa highway sa naturang barangay.
Naghintay ng ilang oras ang mga operatiba kung may darating para kumuha ng mga kahon, pero walang kumuha nito, kaya nagpasya silang buksan na ang kargamento at natuklasan ang mga bloke ng marijuana.
Iniimbestigahan ng PDEA at PNP ang bagong modus na “dropping and shipping” ng illegal na droga.(PFT team)