Advertisers
WASAK ang isang pampasaherong van nang maka-head on collision ang isang ten wheeler truck sa Barangay Batomelong, General Santos City nitong Huwebes ng hapon.
Sa inisyal na report, pito ang patay at lima ang dinala na sa ospital.
Kinilala ang mga nasawi na sina Sheila Bantaculo, Carlo Advincula, Noel Badadera, Maylene Dunaldo, Regie Bag-ong, ng Brgy. Fatima, GenSan; at Ryan Jay Nuñez, residente ng Polomolok; na pawang mga empleyado ng Tuna Exporters Multi-Purpose Cooperative (TEMPCO) ang sakay ng van na galing sa Team Building.
Sinasabing 12 katao ang sakay ng passenger van.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Davao City patungong General Santos City ang van na may plate number na NCC 3238.
Ayon sa report, pumutok ang likurang tire ng van kaya ito sumalpok sa wing van.
Sa video na ibinahagi sa social media, makikitang nagkalat sa kalsada ang mga bangkay ng biktima.