Advertisers

Advertisers

DRUG LORD NA 2 BESES NAKATAKAS SA BILIBID TIMBOG ULI!

0 255

Advertisers

BUMAGSAK din sa kamay ng mga awtoridad ang Chinese national na 20 years nang wanted sa batas at nagpapalit-palit ng pangalan dahil sa kasong drug trafficking, matapos makumpirma ang kaniyang pagkatao sa “fingerprint examination” ng National Bureau of Investigation.

Kinilala ang nadakip na si Frank Chua, 85 anyos, nahaharap sa hatol ng Korte ng “reclusion perpetua” o habambuhay na pagkakulong sa kasong drug trafficking.

Ayon sa NBI, 1989 nang kasamang maaresto si Chua matapos makuhanan ng nasa 58 kilos ng shabu sa Ilocos Sur. Ngunit Marso 22, 1990, nakatakas si Chua at kanyang mga kasamahan sa Vigan Provincial Jail.



Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng Korte ang pagdinig sa kanilang kaso hanggang sa maglabas ng desisyon Oktubre 7, 1994 na nagpapataw sa kanila ng naturang sentensya.

Nagtago sa iba’t ibang lugar sa bansa si Chua hanggang sa maaresto ng NBI-Anti-Illegal Drug Task Force at NBI-Olongapo District Office noong Hulyo 4, 2003 sa isang restoran sa Subic Bay Freeport Zone. Itinanggi niya na siya si Chua at nagpakilala sa pangalang Tsai Jung Shui.

Nang ipagkumpara ang kanyang fingerprint sa rekord ni Chua, nakita na ito ay magkapareho. Inilipat siya sa New Bilibid Prison (NBP), pero muli siyang nakatakas 2004.

Hulyo 28, 2002 nang muli siyang maaresto sa Sampaloc, Maynila at muling itinanggi na siya si Chua kasabay ng pagsasabi na ang pangalan niya ay Tsai Rong Chang.

Nagsagawa muli ng “comparative examination” ang NBI-Dactyloscopy Division sa fingerprints at tumugma ito sa iisang tao lamang na si Chua.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">