Advertisers
Arestado ang isang maintainer at 3 drug user nang salakayin ng mga elemento ng Philippome Drug Enforcement Agency ang isang drug den sa Baguio City.
Kinilala ang nadakip na mga suspek na si Marivic Rodriguez, drug den maintainer; Cheryl Asim ng San Vicente, Baguio City; Carlito Javier; at Joel Sales na kapwa mula sa San Carlos Heights, Baguio City.
Ayon kay PDEA Dir Gen Wilkins Villanueva, isinagawaang opetasyon ng mga elemento ng PDEA CAR, NBI CAR BCPO Station 9 sa San Carlos Heights Extension, Irisan, Baguio City.
Naaresto ang suspek nang makuhanan ng mga droga nagkakahalaga ng P 122,000 at iba’t-ibang drug paraphernalia.
Nasa kustodiya na ng PDEA Jail Facilty ng CAR ang mga naarestong suspek na sumasailalim sa imbestigasyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9166 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Mark Obleada)