Advertisers

Advertisers

33 toneladang ebak ng manok kumalat sa C5

0 249

Advertisers

Kumalat ang tinatayang 33 tonelada ng ebak ng manok sa pagtagilid ng isang trak northbound sa C5 Kalayaan Avenue, Makati City nitong Huwebes ng madaling araw.

Nagresulta ito ng milya-milyang trapik mula Kalayaan Avenue hanggang South Luzon Expressway Service Road.

Sa report, 12:00 ng gabi nang mawalan ng preno ang trak na minamaneho ng driver nito na si Pit Misoles.



Ayon Kay Misoles, iginilid niya sa mga barrier ang trak pero sumabog ang gulong sa kanang bahaging harapan kaya nawalan na siya ng kontrol sa manibela hanggang sa tumagilid ang trak at tumapon ang 660 sako na tumitimbang ng 50 kilo bawat isa o kabuuang 33 tonelada.

Sa dami at bigat ng mga Sako na manu-manong binuhat para isalin sa winged truck, inabot na ng 7:25 ng umaga bago natapos Ilipat ng mga pahinante at maging passable ang naturang lugar; 9:25 ng umaga nang maging totally passable ang C5.

Sa inisyal na report ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang buntot ng trapik nasa South Luzon Expressway service Road , habang ang mga MMDA Enforcers nasa site nag-asikaso sa daloy ng trapiko.

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga pahinante at dtiver ng naaksidenteng trak na may kargang mga sako ng dumi ng manok na gagamiting pataba sa mga gulay sa Benguet.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">