Advertisers

Advertisers

BAGONG MIAA GM CHIONG, NAGPAKILALA SA MGA KAWANI

0 307

Advertisers

Naging maganda ang pagtanggap ng mga kawani sa bagong upong general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) na si Cesar Chiong.

Sa kanyang kauna-unahang pag-attend sa MIAA flag-raising ceremony nitong Lunes, pormal na ipinakilala ni GM Chiong ang kanyang sarili dahil alam umano niyang lahat ng naroon ay ‘curious’ malaman kung sino siya at kung ano ang kanyang mensahe sa kanila, pati na ang uri ng liderato na maaring asahan sa kanya.

Si Chiong ay 52 anyos at may dalawang anak, edad 13 at 10.



Nang makita daw niya ang mga nakasabit na litrato sa corridor habang patungo ng GM’s office, napuna niya na tila siya ang pinakabatang naupo sa MIAA bilang manager.

Gayunman, hindi umano nangangahulugan na porke bata ay limitado ang karanasan o walang karanasan na sapat.

Ibinahagi ni Chiong na bitbit niya ang 33 taong aviation experience. Nagsimula umano siyang magtrabaho sa Philippine Airlines edad 19 kaya bata pa lang ay nagtatrabaho na ito.

Nagsimula si Chiong bilang management trainee at sa PAL ay talagang dadaan ka umano sa training sa lahat ng aspeto ng airline operations.

Nag-umpisa si Chiong sa reservations, ticketing, check-in at cargo bago naging loader controller, aircraft martial, ramp agent at check-in clerk.



Nagtrabaho din sa maintenance si Chiong bilang bahagi ng kanyang training at lumipad din bilang cabin crew.

Naghihiwa din umano siya ng kamatis sa in-flight center bilang bahagi ng kanyang catering experience at nakakuha din siya ng maraming karanasan sa airport.

“’Yung alam kong Terminal 1 and Terminal 2 noon, ‘yun ho ‘yung domestic terminal natin. So, I am not sure if some of you remember, ang boarding passes po noon nakalagay sa likod ng wall tapos meron hong papel and then when you check-in, as a check-in agent, the most important tool we that have is a ballpen and a stapler kasi yung check-in and boarding pass po noon ini-staple po doon sa papel na ticket,” pagbabalik-tanaw pa ni Chiong.

Aniya, napakabilis ng mga pagbabago dahil iba na ang paraan ng pagcheck-in ngayon at sa bilis ng teknolohiya ay dapat na maging handa ang lahat sa lahat ng oras.

Matapos ang kanyang management program, napunta umano si Chiong sa Finance at dun niya nakilala si Secretary (Jaime) Bautista ng Department of Transportation.

Aniya, ito umano ang Chief Financial Officer nang mga panahong iyon at sila ay nagkasama sa trabaho sa loob ng 15 taon.

Ang assignment umano ni Chiong sa Finance ay pag-aasikaso ng upa at pagbili ng mga eroplano para sa Philippine Airlines (PAL).

‘Yung mga nakita ninyong eroplano ng PAL noon from 1993 to about 2012, ako po ang bumili ‘non, kami po ang nagde-deliver ng mga eroplanong ‘yon. After my STID of finance, I was also assigned as a Chief Executive Office of the Air Philippines Corporation, kami po iyong nag-handle ng branding na PAL Express, which is until now still being used by PAL,” ani Chiong.

Sa mga tinuran ni Chiong ay kakikitaan ito ng kababaang-loob at mahabang karanasan sa larangan ng aviation. Sana ay maging matagumpay ang kanyang panunungkulan bilang MIAA general manager.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.