Advertisers
PINATAY ang isang dating security guard ng dalawang ‘di pa nakikilalang salarin sa Pandacan, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Edgardo De Vera Jr., 32, may live-in partner at residente ng 1916 Obesis St., Barangay 844, Pandacan.
Hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng dalawang lalaking kapwa nakasuot ng bonnets at jackets na itim.
Sa ulat, naganap ang insidente 12:00 ng madaling araw ng Linggo (Set. 20), sa tapat ng No. 1922 Bo. Banana, Pandacan.
Sa ulat, kabilang ang biktima sa drugs watchlist ng barangay. (Andi Garcia)