Advertisers

Advertisers

Bong Go: Multi-agency Task Force investigation ‘wag ilimita sa PhilHealth

0 307

Advertisers

INIREKOMENDA ni Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawakin pa ang sakop ng kapangyarihan ng Task Force na nagsiyasat sa katiwalian sa PhilHealth hanggang sa ibang pang sangay ng gobyerno at government-owned and controlled corporations na may mga alegasyon ng korapsyon.

“Sabi ko nga kay Pangulong Duterte, huwag nating limitahan ‘yung task force po sa PhilHealth. Kung saka-sakali pong kakailanganin ay ibang ahensya naman po ang gawan natin ng task force para mapabilis at makasuhan at pwedeng mai-tap o pakiusapan ang [Office of the Ombudsman] at ang [Commission on Audit] at [Civil Service Commission] na magsuspinde, mag-lifestyle check, mag-audit, mag-imbestiga, makasuhan at makulong ang dapat makulong,” ayon kay Go.

Nitong Setyembre 14, isinumite na ng multi-agency task force, sa pangunguna ng Department of Justice, ang inisyal na report nito sa Office of the President at inirekomenda ang pagsasampa ng kasong criminal at administratibo laban sa senior officials ng PhilHealth.



“Hindi lang po ‘yon, dapat po ma-lifestyle check rin po itong mga naiuulat na korapsyon sa gobyerno para matingnan po kung saan nila kinukuha ang kanilang pera…. Dapat silipin ‘yan, kasuhan, preventive suspension para hindi po makagalaw, pilayan kaagad para hindi makaimpluwensya sa opisina nila at hindi maitago ‘yung mga ebidensya, at kasuhan po,” sabi ni Go

Nang tanungin ukol sa mga akusasyon kay Health Secretary Francisco Duque III, iginiit ni Go na patuloy na nagtitiwala ang Pangulo sa kalihim.

“Desisyon po iyun ng ating Pangulo ay respetuhin na lang po natin sa ngayon. Kung ang Pangulo na po ang walang tiwala ay ibang usapan na po. Habang nandidiyan po ang tiwala ng Pangulo sa kanya ay respetuhin na lang po natin si Pangulong Duterte sa bagay na ‘yan,” ani Go.

Ngunit nilinaw niya na ang imbestigasyon sa PhilHealth ay nagpapatuloy sa pag-asang makakuha pa ng matibay na ebidensiya na magdidiin sa mga opisyal na kinasuhan.

Sinabi ng senador na napag-usapan na rin kung dapat na irebyu ang kasalukuyang batas upang mapalakas ang kaso sa mga krimen na may kinalaman sa katiwalian, lalo sa illegal drugs, noong nakaharap ng Pangulo ang mga lider ng Kongreso nitong Miyerkoles, September 16.



“We need harsher penalties to serve as more effective deterrent to crimes. While we consistently avoid harsher penalties to uphold human rights, we also need to protect the rights of every Filipino to live a life that is free from fear of corruption, criminality and illegal drugs,” sabi ni Go.

“(We need to) work together towards the same goal of providing a comfortable life for all Filipinos, specifically…the need to review and strengthen the laws and punishment against crime, particularly those related to corruption and illegal drugs,” dagdag niya.

Nagkasundo ang liderato ng Senado at House sa rekomendasyon ng Pangulo na i-exercise ang oversight function ng legislative branch na tulungan ang Duterte administration sa kampanya nito laban sa kurakutan.

Mismong si Duterte ay handang makiisa sa legislative hearings kung kinakailangan para maipagpatuloy ang reporma sa gobyerno.

“Willing siyang magsalita kung ano po ‘yung problema talaga na dapat ayusin at sa nalalabing one year and nine months ng Pangulo, sabi niya, ‘tulungan n’yo naman ako na sugpuin ito, hindi pwedeng lumabas ako rito na hindi natin totally nasugpo’,” sabi ni Go.

Hindi napag-usapan sa pulong ang ukol sa death penalty, ngunit sinabi ni Go na pabor siya na maibalik ang bitay laban sa mga nakagawa ng heinous crimes, gaya ng plunder at illegal drug trafficking.

Ibinunyag din ni Go na bukas si Pangulong Duterte na buwagin at isapribado ang PhilHealth kapag hindi na talaga maresolba ang sistematikong korapsyon sa ahensiya. (PFT Team)