Advertisers

Advertisers

Gulo sa Kongreso sisiklab… ISYU: GULANGAN SA PONDO!

0 242

Advertisers

MAGIGING mainit ang araw ng Lunes para sa mga mambabatas sa mababang kapulungan.
Ito’y nang magbabala nitong Linggo ang Presidential son, Deputy Speaker Paolo Duterte ng Davao City, na isusulong niya ang pagbakante sa posisyon ng Speaker at Deputy Speakers ngayong Lunes, Sept. 21, sa gitna ng mainit na isyu ng pamamahagi ng pondo sa Kamara.
Sa kanyang text messages sa mga mambabatas, sinabi ng batang Duterte: “The text that I sent to another lawmaker – and is now making the rounds – was an expression of my personal dismay upong hearing the concerns of my fellow lawmakers.”
Ito rin, aniya, ang kanyang mensahe na ipinadala matapos na ang isang kongresista sa Visayas bloc ay kinaladkad ang kanyang pangalan sa isyu kahit na nilinis na niya ang kanyang pangalan sa bagay na ito.
“Now as Congress continues to be hounded by the issue of budget – something that finds its way up to the current House leadership, how it treats its members, how it approves allocations and budgets with fairness or lack of it – let me reiterate my position.”
Sabi ni Paolo, ayaw niyang masangkot sa gulo, pero handa siyang tumulong sa mga kapwa mambabatas na makahanap ng solusyon para sa budget na ipinangako sa kanilang mamamayan.
Aniya, ipauubaya na niya ang isyu sa mga miyembro ng Kongreso dahil ito’y karapatan nila bilang mga halal na opisyal na magsagawa ng paborableng solusyon para sa isyu na nakaaapekto sa developments ng kani-kanilang distrito at mga tao.
“If the members of Congress will push for a change in House leadership, as a reaction to their sentiments, obviously I would be among the casualties because I am a deputy speaker. I am ready to accept the consequences,” sabi ng batang Duterte.
Samantala, sinabi naman ni Dasmariñas City, Cavite Congressman Elpidio Barzaga na kapag nagkaroon nga ng bagong elections para sa speakership, tiyak na mananalo parin ng landslide ang kasalukuyang House Speaker na si Allan Peter Cayetano.