Advertisers

Advertisers

Pagbalik sa MECQ ng Metro Manila ‘di pa tiyak – Roque

0 346

Advertisers

Wala pang katiyakan kung ibabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Laging Handa Press Briefing.

Ayon kay Roque, magpupulong ang mga opisyal ng Inter Agency Task Force (IATF) upang talakayin ang magiging bagong klasipikasyon ng community quarantine.



Pagkatapos nito ay sasangguni sa mga Metro Mayors bago maghain ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Roque, nag-improve ang case doubling rate sa Metro Manila kaya hindi pa nila masagot kung babalik sa ECQ o mananatili sa GCQ bagama’t mahigit dalawang libong bagong kaso ang naitatala kada araw.

Tiniyak ni Roque na bago sumapit ang Agosto 1 ay ilalabas ang desisyon hinggil sa baging klasipikasyon ng community quarantine. (Jonah Mallari/Vanz Fernandez)