Advertisers

Advertisers

Covid update: 20,021 gumaling; 55 patay; 3,311 bagong kaso

0 237

Advertisers

PUMALO na sa 286,743 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases ang naitala sa bansa.
Ayon sa Department of Health, ito ay matapos silang makapagtala ng 3,311 bagong kaso ng COVID-19.
Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,435 new cases.
Sinundan ng Negros Occidental na may 261 new cases, Laguna na may 231 new cases, Rizal na may 204 new cases at Cavite na may 174 new cases.
Ang aktibong kaso ay bahagya muling bumaba sa 51,894.
May 20,021 namang bagong gumaling mula sa virus.
Sa kabuuan ay nasa 229,865 na ang bilang ng mga gumaling mula sa covid-19.
May 55 namang naitala ang DOH na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa bilang na ito 33 ay ang nasawi ngayong Setyembre, 17 noong Agosto, at 5 noong Hulyo.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,984 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 29 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang nai-report.
Kasunod pa rin ito ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)