Advertisers

Advertisers

Class opening sa Oktubre 5, tuloy – DepEd

0 270

Advertisers

DETERMINADO ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na matutuloy na sa October 5 ang pagbubukas ng klase sa buong bansa.
Sa pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones, umaasa silang ito na ang magiging huling adjustment sa pagbubukas ng klase makaraang maantala ito dahil sa direktiba ng punong ehekutibo.
Dahil dito, mababatid din ani Briones, na nagkaroon na ng panahon ang ahensya na maisayos at matugunan ang ilang problema sa isasagawang distance learning.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang ahensya sa ginagawa nitong paghahanda gaya ng pagsasagawa ng mga dry-run simulation at pamimigay ng mga learning modules.
Sa huli, iginiit ng DepEd, na bukas ang kanilang tanggapan sa lahat ng suhestyon at hinaing ng iba’t-ibang paaralan sa bansa para tuluyan nang maresolba ang mga problema kaugnay sa nalalapit na muling pagbubukas ng klase.