Advertisers

Advertisers

Dalagita pinatay ng bayaw na ‘sinapian ng engkanto’

0 218

Advertisers

NASAWI ang isang dalagita nang pagsasaksakin ng bayaw na nagsabing binulungan at sinapian ito ng engkanto kaya nagawa ang krimen sa Maragondon, Cavite.
Sa ulat, natutulog ang 16-anyos na biktima na hindi pinangalanan nang lapitan ng kaniyang bayaw at pinagsasaksak ng 12 beses.
Paliwanag ng salarin, tila may naririnig siyang bumubulong na boses at nag-uutos na patayin niya ang kaniyang hipag.
Ayon pa sa kaniya, sinapian siya ng engkanto.
Hindi naman tinanggap ng pulisya ang dahilan ng salarin.
Nakakulong na ang lalaki na nahaharap sa reklamong murder.(PFT team)