Advertisers

Advertisers

LABAN NG MAYNILA VS COVID-19, SUPORTADO NG TAIPEI – ISKO

0 271

Advertisers

ANG patuloy na hakbang ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pakikidigma sa pandemya ay nakatanggap ng suporta sa pamahalaan ng Taipei, sa pamamagitan ni Representative Peiyung Hsu ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO).

Nitong weekend, ang TECO ay nag-donate ng 15,000 medical masks sa lokal na pamahalaan at may pangakong magkakaloob pa ng iba pang uri ng tulong sa mga ginagawang paraan ng lungsod upang masugpo ang coronavirus.

Si Manila Mayor Isko Moreno ay sinamahan nina Vice Mayor Honey Lacuna, Secretary to the Mayor Bernie Ang at 3rd District Councilor Atty. Jong Isip sa pagtanggap ng donasyon na ibinigay ni Representative Peiyung Hsu, kasama si Kenway Tan na kumatawan sa alkalde ng Taipei.



Ang pagbibigay ng nasabing donasyon ay ginawa sa Manila City Hall, kung saan pinasalamatan nina Moreno, Lacuna, Ang at Isip ang TECO sa pinagkaloob na donasyon at sinabing malayo ang mararating na tulong nito upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Si Moreno ay patuloy at paulit-ulit na nananawagan sa bawat isa sa lungsod na laging magsuot ng face masks, dahil ito ang pinakamura at epektibong paraan upang mapangalagaan ang sarili kontra coronavirus.

Ayon naman kay Ang, ang donasyon ng TECO ay pagpapahayag ng kanilang tiwala at suporta kay Moreno at Lacuna at sa kanilang magkasamang hakbang kontra pandemya.

Binanggit pa ni Ang na ang kagandahang loob na ipinakita ng TECO ay dahil na rin sa sister-city relationship sa pagitan ng Taipei at Manila noon pa at nagpapakita ito ng tunay na pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang lungsod.

“As ‘’sister cities’, Manila and Taipei have agreed to promote cultural and commercial ties and form a linkage that would involve an exchange of culture, trade and tourism for their mutual benefit,” pahayag ni Ang.



Ang Taiwan ay tanyag sa matagumpay na tugon nito sa COVID-19, na nagresulta sa mababang bilang ng impeksyon. Nakapagtala lamang ito ng pitong nasawi sa coronavirus noong May, kung saan may napakataas na bilang ng kaso ng virus sa mas maraming bansa. (Andi Garcia)