Advertisers

Advertisers

HALAGA NG PAMILYA AT PAGKAKAISA MANGINGIBABAW SA HULING MISYON NG “A SOLDIER’S HEART”

0 205

Advertisers

HALAGA ng pamilya at pagkakaisa ang mangingibabaw sa huling paghaharap ng magkalabang magkapatid sa huling linggo ng “A Soldier’s Heart.”

Sinubok man ng ilang trahedya at hindi pagkakaunawaan, nagkasundo na ang magkapatid na Alex (Gerald Anderson) at Elmer (Vin Abrenica) para bigyang katarungan ang kanyang namatay na amang si Dante (Rommel Padilla).

Kasama ang kanilang ka-grupo na sina Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Benjie (Yves Flores), Phil (Jerome Ponce), Jethro (Elmo Magalona), at Lourd (Sue Ramirez), lulusubin na ng magkapatid ang kampo ni Saal (Sid Lucero).



Ngunit pagdating sa kampo ng kalaban, mangingibabaw pa rin kay Alex ang ninanais nitong pagkakaisa at kukumbinsihin ang kapatid na si Saal na hindi patayan ang solusyon para makamit ang kalayaang inaasam.

Sa kanilang huling paghaharap, ibaba kaya ni Saal ang armas o tuluyang isa sa kanila ang kailangang mag-alay ng buhay?

Samantala, patuloy ang pag-apaw ng saya at lungkot ng mga netizen sa The Final Salute ng “A Soldier’s Heart”  kaya nag-trend ang hashtag nitong  #ASHTheFinalMission nitong Lunes (Setyembre 15).

Tweet ni @Oren_0007, “Kudos sa writers’ pool. Mula sa saliksik, brainstorming, pagsusulat, editing at On-going taping, grabe! Kailangang mapanood talaga ito saan mang panig anumang platform. It deserves an award thereafter! Sepanx!”

“Parang mas mahirap magtweet ngayong finale week, kasi ang hirap kumurap habang nanonood sa mga nangyayare,” komento naman ni @JustMeMonic.



Napapanood ang “A Soldier’s Heart,” gabi-gabi sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel tuwing 9:20 PM at iWantTFC. I-download lang ang app sa Google Play o App Store, o bumisita sa iWantTFC.com. (BKC)