Advertisers

Advertisers

Robin hinagupit ni DJ Mo Twister, aprub kasi sa pagpapalaya kay Pemberton

0 364

Advertisers

BINATIKOS ni DJ Mo Twister sa kanyang tweet si Robin Padilla kaugnay ng pahayag nitong sang-ayon siya sa pagbibigay ng Pangulong Duterte ng absolute pardon kay Joseph Scott Pemberton na nasentensiyahan noong mabilanggo dahil sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Ani Mo: “I love how Robin Padilla, in a matter of few decades, has regressed from Bad Boy to Dumb A**.”

Nakakuha naman ng suporta si Mo sa ilang netizens lalo na ang LGBT community na tutol sa ginawang pagpapalaya kay Pemberton na sa ngayon ay na-deport pabalik ng Estados Unidos.



Ito ang ilang komento ng netizens: “Bad Boys flock together,” “This! Nailed it…. Hahahaha, nilamon na ng kabaluktutan,” “Hindi na nga mahalaga ang prinsipyo sa ngayon. Ang importante, ikaw ang nasa puwesto. Survival of the fittest.” (Archie Liao)