Advertisers
ISINUSULONG ng mga senador na magkaroon ng minimum standard para sa internet speed sa iba’t ibang parte ng bansa.
Batay sa inihaing Senate Bill 1831 o ang Better Internet Act nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Sen. Grace Poe at Manny Pacquio layunin nitong matiyak na may maayos na intenet comnection ang mga Pilipino lalo na ngayong may pandemya.
Ayon sa panukala, dapat maibigay ng mga telcos at internet providers ang mininmum download speed na 10 Megabits kada segundo para sa fixed broadband at 5 MBPS para sa mobile broadband sa mga highly urbanized na syudad.
Nasa 5MBPS para sa mga fixed broadband at 3 MBPS para sa mobile broadband services sa iba pang siyudad at 3MBPS para sa mga Fixed broadband habang 2 MBPS para sa mobile services sa mga rural areas.
Pagmumultahin ng hindi bababa sa P200,000 pero hindi hihigit sa P2 milyon sa bawat bilang ng paglabag ang mga internet providers na lalabag sa loob ng tatlong taon mula sa effectivity date ng mga naturang proposed measure. (Mylene Alfonso)