Advertisers
PINAGBABARIL ang isang kapitan ng barangay ng riding-in-tandem sa Ilocos Sur, Biyernes ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Brgy. Namalpalan, Magsingal, Ilocos Sur Chairman Feliciano Tabura.
Ayon sa mga nakasaksi, pumasok sa loob ng barangay hall ang mga salarin at makaraang mamataan si Tabura, agad itong pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang mga salarinr makaraan masigurong patay na si Tabura.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis-Magsingal upang makilala ang mga salarin at mapanagot sa batas.(PFT team)