Advertisers
Pinatay at ginahasa ang isang ginang ng kanyang house helper na menor-de-edad sa General Santos City.
Kinilala ang biktimang si Darlene Dagsan Tupaz, 45, residente ng Dinoga Subd. Brgy Lagao, GenSan City.
Nahuli naman ang salarin na si alyas “Junior”, 16, stay-in helper ng biktima.
Sa report, natagpuan ang biktima sa loob ng kanyang bahay na duguan at nakababa ang panty hanggang sa tuhod.
Ayon sa ulat, sinunggaban ng salarin ang biktima para gahasain subali’t nanlaban ito kaya pinagpapalo ng maso sa ulo dahilan para mawalan ng malay si Darlene.
Habang walang malay at nakahandusay, dito na ginahasa ni Junior ang among babae at nang makaraos pinagsasaksak niya ito hanggang sa bawian ng buhay.
Matapos ang krimen, tumakas si Junior pero nadakip din sa isinagawang hot pursuit operation.
Nahaharap ang salarin sa kasong rape with homicide.(PFT team)