Advertisers

Advertisers

MPD dumepensa sa viral video ng pagkumpiska ng ‘placards’ sa loob ng Quiapo Church

0 347

Advertisers

TODO depensa ang hepe ng Manila Police District sa umano’y pagkumpiska sa anti-government placards ng ilang sumimba nitong July 27 sa Simbahan ng Quiapo kasabay ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa paliwanag ni Police Brigadier General Rolando Miranda, pinaniniwalaang miyembro ng leftist group na Akbayan ang mga may dalang placards sa Simbahan.

“Kung ang tao ay magsisimba, hindi dapat sila maglaladlad ng placard sa loob ng simbahan na anti-government. Dahil marami ding nagsisimba doon na maaabala at magtataka bakit may ganoon,” ani Miranda.



“Kung gusto nila magsimba, iniwan sana nila ‘yung mga placards nila sa labas… kahit ano sabihin nila, kung mali ‘yung ginawa ng pulis, mas mali ‘yung ginawa nilang magdala ng placard sa loob ng simbahan… Ang ginawa nila pinaglalabas nila ‘yung placard at the middle of the mass, siyempre ‘yung iba maaapektuhan din. Sinira nila ‘yung solemnity ng misa,” dagdag pa nito.

Pero sa isang video na pinost sa Facebook, makikitang nakaupo at nakikinig sa misa ang ilang militante nang lapitan ng dalawang pulis at dinampot ang isang bag na naglalaman ng tarpaulins, tapos tumayo ang babaeng nakaitim at tila nakipag-usap sa 2 pulis, pero di siya pinansin.

Tinatayang nasa 40 raliyista naman na hinihinalang miembro ng Akbayan ang naaresto sa likuran ng Simbahan.

“‘Yung mga Akbayan na ‘yan, ‘yan ang ginawa nila kahapon. May pictures kami na naka-display ‘yung kanilang anti-government placards habang nasa loob ng simbahan. Simba ba talaga pinunta nila doon o iba?” giit pa ni Miranda.

“Kung hinintay naming matapos ang misa, magtatakbuhan sila sa labas at doon sila magsisisigaw, mas magulo ‘yon. Pag-aarestuhin ko sila, maswerte sila hindi ko sila inaresto. Kung pinabayaan kong mag-escalate ‘yan, mas nakakahiya. Magkakaroon ng commotion.Puwede naman sila magreklamo. Ano irereklamo nila? Wala naman kaming violation sa kanila,” hamon ng MPD Chief. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">