Advertisers

Advertisers

Babaeng Bgry. Kagawad huli sa pagtutulak, Anak pumalag-patay

0 226

Advertisers

Patay ang isang lalaki nang manlaban sa mga pulis habang inaresto naman ang kanyang ina na kagawad ng barangay sa Camarines Sur.
Kinilala ang napatay na si Joven Begino, 28; habang ang kanyang ina na inaresto kinilalang si Josefa Begino, 46, brgy. kagawad ng Bagacay, Tinambas, Camarines Sur.
Sa report, Setyembre 18 ng hapon nang dumating ang mga pulis sa bahay ng mag-ina para magsilbi ng search warrant.
Gayunman, nakatunog umano si Joven kaya kumuha ito ng baril at sinalubong ng putok ang mga parak.
Ayon sa ulat, matagal nang minamanman si Josefa sa pagbebenta ng iligal na droga sa bayan at karatig na lugar.
Inaresto si Josefa at nasamsam ang 20 pakete ng shabu.(PFT team)