Advertisers
Makalipas ang halos isang taon na pagtatago sa batas nadakip ng Abucay Police Station, Provincial Intelligence Unit ang Leader ng Buenaventura Gun for Hire Group sa Sitio Hacienda Brgy, Gabon sa bayan ng Abucay, Bataan.
Sa report ni P/Maj.Leopoldo Estorque Jr., kinilala ang nadakip na si Angelito Buenaventura, 29, native ng Abucay, at residente ng Sitio Barrio Intsik Brgy. San Jose Balanga City, habang arestado rin ang kapatid nito na si Bernard Buenaventura, na kapwa sangkot sa kasong Murder.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PMSg. Albert Valdez, 1:00 ng madaling araw ng Setyembre 19, 2020 naaresto ang mga salarin sa pinagtataguang safehouse sa nababgit na lugar.
Sa ulat, sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no.19-878 sa kasong Murder pinasok ng otoridad ang pinagtatagyan nila Buenaventura.
Samantala detenido ngayon ang magkapatid sa Abucay Municipal Jail kung saan walang piyansang inerekuminada ang korte para sa kanilang kalayaan.(Thony D. Arcenal)