Advertisers

Advertisers

Anak ‘di nagpaawat sa away, tinarakan-patay ni Daddy

0 276

Advertisers

Patay ang 27-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang ama nang ayaw magpaawat sa pakikipag-away sa kapatid sa Iloilo City.
Kinilala ang namatay na si Levi June Gabica, 27; habang inarestong ang amang si Leandro Gabica, 50, kapwa ng Pulao Dumangas, Iloilo City.
Sa report, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-ama sa nasabing lugar.
Bago ang insidente, nag-away ang biktima at nakababatang kapatid na si Lester, 25, dahil lamang sa agawan sa scrap ng rim ng motorsiklo, galing sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Ayon sa ulat, naririnig ng matandang Gabica ang pag-aaway ng mga anak kaya nilabas niya ang mga ito na may bitbit na kutsilyo para sana awatin subali’t hindi ito pinakinggan at pinagsasaksak nito si Levi.
Sumuko naman si Leandro sa pulisya at kakasuhan ng parricide.(PFT team)