Advertisers

Advertisers

PANLABAN SA COVID-19 CONTACT TRACERS KINAKAILANGAN NGAYON!

0 284

Advertisers

Kalahating-taon na ang ipinagtitiis ng buong sambayanan sa pag-iingat para malabanan ang COVID-19 at nitong mga nagdaang araw ay unti-unti na ring nababawasan ang bilang ng mga nagpopositibo sa naturang sakit ay higit ngayong kakailanganin ng ating gobyerno ang magkaroon ng maraming bilang ng CONTACT TRACERS sa ating bansa…, upang matiyak ang pagsugpo sa coronavirus.

Bunsod nito ay nag-anunsiyo ang DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) para sa pagtanggap ng mga aplikante upang maging karagdagang CONTACT TRACERS sa iba’ibang bahagi ng ating bansa lalo na ng mga lugar na lubhang naapektuhan ng COVID-19.

Sa PRESS RELEASE ng QUEZON CITY PUBLIC AFFAIRS AND INFORMATION SERVICES DEPARTMENT ay tinuran nitong si CITY EPIDEMIOLOGY AND DISEASE SURVEILLANCE UNIT (CESU) CHIEF, DR. ROLLY CRUZ na napakahalaga umano ng tracing dahil ito ang unang hakbang sa trace-isolate-treat method na ginagamit upang hindi na kumalat pa ang virus sa mga kumunidad.



Aniya, ang mga aplikanteng matatanggap ng DILG-QC FIELD OFFICE ay magiging karagdagan sa kasalukuyan nilang CONTACT TRACERS.., na ang mga aplikante ay magsusumite ng kanilang LETTER OF INTENT AND PERSONAL DATA SHEET sa pamamagitan ng contacttracing.ncr.dilg.gov.ph..,gayundin ang NBI Clearance and drug test result, na itong mga required documents ay ia-upload sa https://contacttracing.ncr.dilg.gov.ph. Ang huling pagsusumite ng aplikasyon para maging CONTACT TRACER ay sa September 23, 2020.

“We fully support the DILG’s initiative because it will help augment the city’s need for additional contact tracers,” pagpapahayag naman ni QC MAYOR JOY BELMONTE.

***

CONTACT TRACING APPS SA TAYTAY, RIZAL!

Bahagi sa pagsugpo ng COVID-19 ay ire-require ng TAYTAY MUNICIPAL GOVERNMENT sa lalawigan ng RIZAL na ang lahat ng.mga establisimiyento sa kanilang lugar ay kinakailangang magsigamit ng CONTACT TRACING APPS upang matiyak na masugpo at hindi na kumalat pa ang virus ng nasabing nakamamatay na sakit.



Ipinunto ni TAYTAY MAYOR JORIC GACULA na kung makakapagpasa sila ng ordinansa ay agarang ipaiimplementa sa kabuuan ng kanilang.munisipalidad ang nasabing apps.., kaya, ang lahat ng mga pampubliko at commercial establishment ay kinakailangang maglagay sila ng CONTACT TRACING APPS at QR CODES.

“This (app) makes it easier for our municipal tracing unit and our local police to conduct contact tracing.., and this is free. It will not cost a single centavo to our constituents. We really need this now because the government doesn’t have anymore money,” saad ni MAYOR GACULA.

Ang mga establisimiyentong hindi tatalima sa itatakda ng.ordinansa ay maipasasara ayon sa babala ni GACULA.

Napakahalaga umano ng nasabing app dahil bukod sa marami ang nahihirapan sa pagsusulat bukod pa sa may mga taong hindi nagsasaad ng katotohanan kung sila ba ay may sintomas ng COVID-19.

“Throughthe QC code, there is no more question about it because there is already an information on how ypu can be contacted in case there is an infection in the place you went to,” pahayag ni GACULA.

***

UPOs VIRTUAL CONVENTION IKAKASA NG PCUP…

Bahagi sa pag-asiste sa mga problema’t pangangailangan ng mga URBAN POOR ASSOCIATIONS (UPOs) sa buong panig ng ating bansa ay ilulunsad ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) ang isang malawakang VIRTUAL CONVENTION upang magabayan ang naturang sektor sa pagbibigay ng mga kaalaman ngayong dumadanas tayo ng COVID-19 PANDEMIC.

Ang VIRTUAL CONVENTION ay naglalayong ipabatid sa maralitang sektor ng ating bansa ang mga hakbang at aksiyon na patuloy na isinasagawa ng ating gobyerno ayon kay PCUP CHIEF, USEC. ALVIN FELICIANO.

“Itong convention na ito, dito rin po natin bibigyan ng pagkakataon ang lahat na marinig ang kanilang mga hinaing at suliranin, nang sa gayon, makaisip tayo ng mga solusyon na nararapat,” pahayag ni FELICIANO.

Ang VIRTUAL CONVENTION ay isasagawa sa October na lalahukan ng 100 UPO LEADERS na bibigyan ng PCUP ng kani-kaniyang ZOOM ROOMS at ila-livestream din sa official facebook page ng PCUP.., para makibahagi naman at makapagtanong ang iba pang mga miyembro na sasagutin mismo ni USEC FELICIANO sa open forum part ng nasabing programa.

Sa naturang convention ay kabilang sa mga mangunguna ang 4 COMMISIONERS na sina NORMAN BALOTO, RANDY HALASAN, ROMEO JANDUGAN at MELVIN MITRA, na makikibahagi rin ang mga ito sa pagsagot sa lahat ng mga may katanungan.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.