Advertisers
KAUGNAY ng pangako ng Bureau of Custom (BOC) na gawing ligtas ang borders ng bansa ay kinondena ng Manila International Container Port (MICP) noong Set. 16, 2020 ang 40-foot containers ng mga smuggled na pekeng sigarilyo sa isang condemnation facility sa Porac, Pampang.
Ang mga containers na naglalaman ng kondenadong pekeng sigarilyo ay tinatayang nasa P120M ang halaga at napatunayang lumabag sa
Section 117 in relation to Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at kaugnay na National Tobacco Administration (NTA) and Bureau of Internal Revenue (BIR) rules and regulations.
Ang mga condemned cigarettes ay bahagi ng Php 219.6 Million halaga ng mga nasamsam ng MICP sa 2020. Ang pinakamalaki na nasamsam at ang 6,249 master cases ng undeclared cigarettes nong July 24, 2020 na may estimated value na Php 186.9 Million.
Ang condemnation proceeding ay collective effort ng Port sa pangunguna ni MICP District Collector Romeo Allan Rosales sa pamamagitan ng Office of the Deputy Collector for Operation’s Auction and Cargo Disposal Division (ACDD), Intelligence Group (IG) at sa pamamagitan din ng Port’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Chief Alvin Enciso at Enforcement Group (EG) sa pamamagitan ng Port’s Enforcement and Security Service (ESS).
Sa pahayag ni District Collector Rosales binigyang diin nito na ang Port nanatiling mapagmatyag sa pagtugon sa mandato nito na bantayang huwag makapasok ang mga iligal na kargamento sa bansa.
Pinapurihan nya rin ang mga tauhan ng MICP sa napapanahong desposisyon nito sa mga nasamsam na produkto at gayundin ang patuloy na suporta ng IG at EG sa tulong nito sa Port sa pamamagitan ng anti-smuggling campaign.
Habang nagsisikap ang bansa na makabangon sa banta ng COVID-19 pandemic, ang MICP ay nananatiling kaisa ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa kanyang adbokasiya na tiyaking ligtas ang border ng bansa at patuloy na magkaloob ng de kalidad na serbisyo publiko sa bawat Filipino. (BONG SON)