Advertisers

Advertisers

Kontribusyon ng mga kooperatiba sa pagbangon ng bansa, kinilala ni Bong Go

0 301

Advertisers

HINILING ni Senator Christopher “Bong” Go sa Cooperative Leaders na patuloy na makipagtulungan sa pamahalaan at magbayanihan kasabay ng pagkilala ng mambabatas sa kanilang malaking papel na maibangon ang bansa.

“Cooperatives have become an important force in countryside development and nation-building. Not only have they contributed to the development of the sectors they represent but they have also encouraged the empowerment of their respective stakeholders and communities,” ani Go sa kanyang talumpati sa virtual forum ng mga lider ng kooperatiba.

“Mahalaga talaga ang mga kooperatiba dahil tinutulungan nito ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga kaalaman at serbisyong teknikal at pinansyal na ibinabahagi nito… Magtulungan at magbayanihan po tayo para mas makarating ang ayuda at serbisyo ng gobyerno sa mas maraming Pilipino,” aniya.



Nanawagan siya sa mga kooperatiba na ipagpatuloy ang pagtulong na maibangon ang bansa sa abot ng kanilang makakaya.

“For bigger cooperatives who wish to make donations for the public but don’t know where to go, maaasahan ninyo pong tutulungan namin kayo. We are willing to assist you to ensure that your donations will reach those who need help the most,” anang senador.

Tiniyak ng mambabatas sa mga ito na ang gobyerno ay patuloy ring aasiste sa kanila, maging sa maliliit na negosyo at vulnerable sectors sa pamamagitan ng Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2.

“Nitong mga nakaraang buwan, namahagi po ang gobyerno ng ayuda para sa mga mahihirap na sektor ng lipunan na pinakanaapektuhan ng pandemya. Nakiusap din po ang gobyerno sa mga malalaking kumpanya at bangko na magbigay ng moratorium sa pagbabayad ng upa, loans, at mga utilities bilang tulong para sa mga middle class at maliliit na negosyo,” ani Go.

Ipagpapatuloy aniya ito ng gobyerno ngayong napirmahan na ni Pangulong Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act. Ang nasabing batas ay magpopokus sa economic recovery habang nilalabanan ang coronavirus disease pandemic.



“Sa Bayanihan 2 Act, may allocation din for loans na kung saan maaaring kumuha ang mga kooperatiba para matulungan ang inyong mga beneficaries,” ani Go.

Hinimok niya ang mga kooperatiba na gamitin ang kanilang Community Development Fund upang makatulong sa kani-kanilang community members na malabanan ang kasalukuyang krisis.

Nangako rin si Go na tutulong sa mga layunin ng mga kooperatiba sa pamamagitan ng paglikha ng batas.

“I will support, through legislation, the reforms that the Cooperative Development Authority would like to introduce in growing cooperatives, for us to attain sustainable growth,” ayon kay Go sa pagsasabing itinatrato sila ng gobyerno bilang partner saan mang bagay o proyekto upang umunlad ang lahat. (PFT Team)