Advertisers
KUMAMADA si Anthony Davis ng 37 points at 10 rebounds,habang si LeBron James umayoda ng 15 points at 12 assists, upang tulungan ang Los Angeles Lakers na ipinta ang 126-114, wagi laban sa maangas na Denver Nuggets kahapon sa Game 1 ng Western conferenced finals.
Kentavious Caldwell-Pope umiskor ng 18 points at Dwight Howard nagdagdag ng 13 para sa Lakers, na hindi npa nakapasok sa NBA final four simula magwagi ng kanilang huling championship noong 2010.
Nikola Jokic at Jamal Murray umiskor ng tig-21 puntos para sa Nuggets, na naglaro sa conference finals sa unang pagkakataon buhat ng talunin sila ng Lakers noong 2009.
Nalusutan ng Denver ang 3-1 deficit laban sa Utah at ang Clippers, naging unang team na gumawa ng dalawang beses sa isang postseason.
Ang Game 2 ay sa Linggo.