Advertisers

Advertisers

Kai Kyrie!

0 218

Advertisers

Isang Pinoy na isinilang sa Las Pinas at isang Kano na ipinanganak sa Melborne ang nakabitin pa ang mga career ngayon sa NBA.

Si Kai Sotto walang humugot sa rookie draft at wala pa ring napupuntahan bilang undrafted na player habang si Kyrie Irving ay bagama’t nag-opt in sa Nets ay nais naman maglaro sa Lakers.

Kahit 7’2 na cager si Sotto at hindi nagagalingan sa kanya ang mga manager at mga coach sa NBA Malamang naliliitan sila sa built ng anak ni Ervin Sotto. Posible rin na nakukulangan sila sa karanasan ng 20 anos na basketbolista.



Gaya ng nabanggit natin sa huling pitak ay baka nakakaligtaan ng mga prangkisa ang malaking potential na fan base ni Kai – 100 milyong strong na basketball-crazy nation. Kahit maliit na suweldo at limited playing time ay ayos na basta’t mapabilang sa pinakasikat na liga sa buong mundo. Tataas ang tv ratings, mas marami manonood sa venue at higit na mabibili mga team merchandising item sa sinumang koponan na sususgal sa kanya.

Sana mapagtanto ito ng mga namamahala sa mga kasali sa NBA.

Ire naman si Kyrie ay ginamit nga player option niya sa Brooklyn pero nagsasalita na ibig daw niya maging kakampi sina LeBron James at Anthony Davis sa LA.

Kaya tanging paraan ay pumayag ang Nets sa Westbrook-Irving trade gayong nagpahayag na rin si Kevin Durant na lumipat.

Hindi din naman kasi naging matagumapay ang Big Three nina Irving, Durant at James Harden tulad ng kina James, Davis at Westbrook. Dapat mapapayag ng LA ang Brooklyn sa palitan na malamang hihingi ng first round pick na isama sa deal.



Aabangan natin maigi ang mga susunod na kabanata sa istorya ng dalawa.

***

Dalawang araw matapos ang inagurasyon ng bagong presidente ay wala pa siyang naitatalaga ni isa sa Philippine Sports Commission. Kahit chairman man o isang commissionner ay zero pa.

Pinag-aaralan daw ng masusi ayon sa Press Secretary o PCOO head, ano ba tawag now.

Marami raw nais ma-appoint sabi ng presidential sister na senador.

Siguro nga sandamakmak ang nagpriprisinta pero walang kwalpikado o team player sa kanila. Marahil kaliwa’t kanan ang bumubulong kaya nalilito si Bongbong.

***

Dinagdag ng Blackwater ang Meralco sa kanilang mga biktima ngayon conference. Kahit isang point lang naging kalamangan sa isang last second bank shot ni Baser Amer ay panalo pa rin iyon. Sweet victory para sa dating guard ng Bolts na ngayon ay isa sa inaasahan ni Coach Ariel Vanguardia sa Bossing. 4-1 na sila at tanging dungis ay ang olat sa Ginebra na isang close game din at decided lang din sa huling minuto ng laro.