Advertisers

Advertisers

Lloydie tumatanda na, di na bagay may kalabtim; Sarah binash ang suot sa bakasyon sa Italy

0 210

Advertisers

Ni BETH GELENA

NASA Italy ang celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.
Yun na rin ang honeymòon travel ng mag-asawa mula nang ikasal sila last February 2019 na two years nang nagsasama ang dalawa as husband and wife
Hindi kasi nakapag-honeymoon ang AshMat dahil after nilang magpakasal ay siya namang pagkakaroon ng Covid-19 at nag-lockdown ang Pilipinas dahil sa pandemya.
Ngayong maluwag-luwag na ang pagbibiyahe patungong ibang bansa ay libre nang lumabas ng Pinas ang celebrity couple para sila ay mag-honeymoon.
Sa Instagram account ni Matteo, may posted photo siya with Sarah na nasa Opera house sila.
Ang caption niya: “The perfect timing for an Opera.”
“Few days before our trip to Italy, the Italian ambassador recommended the famous show, Aida.di.Giuseppe.Verde. And to perfect timing it was showing during our scheduled trip and we were able to get fantastic seats. The opera.took at the historic Arena Di Verona (which was mind blowing). The show was fantastic with singers belting Italian lyrics with so much emotions… Okey i won’t say more. I’ll fix up a video about that evening soon!”
Natuwa ang AshMat fans sa mga kaganapan nila sa Italy.
May nagkomento namang, “Mga ganyan ang di man lang naranasan ni Sarah nung single pa kahit isa sa pinaka mayamang artista sa Pinas.”
“Ang saya lang to travel the world with the one you love. Sana all!”
Ngayong nasa stage na for honeymoon ang celebrity couple hindi na raw sila makapaghihintay ng little Sarah at Matt soon.
“Deserve ni Sarah yang head over heels ang asawa nya sa kanya.”
Pinuna naman ng isang netizen ang outfit ng singer-actress.
“Ba’t naman ganyan outfit ni Sarah? Parang pupunta sa children’s party.”
“Naisip ko din yan. Magpasexy naman sya ng konti malakas sana appeal nya tsaka kung anong kinaangas nya sa stage sana ganon din in real life. Need nya umawra.”
Pagtatanggol.naman ng Sarah fan, “yay! sarah g is enjoying her life with matteo. go go go! love that. and nice outfit too! ‘yung mga fashion critics diyan, a person will wear whatever he or she feels comfy in and not what others think looks good.”
“Anyare. Pwede naman maging conservative na appropriate sa event or place. Usually formal dresses at tuxedo pag nasa opera ka. At least nagcocktail dress man lang siya. She is beautiful pero mukha lang siyang magiistroll sa park with her white shoes and frumpy dress.”
***
BEA WILLING MAKATRABAHO ANG MGA EX PWERA LANG ANG ISA
WILLING daw na makatrabaho ni Bea Alonzo ang kanyang mga naging ex except sa isa na hindi niya pinangalanan, but obviously ay si Gerald Anderson.
Tinanong siya ni Barbie Fortezasa kanilang vlog conversation kung open ba siyang makatrabaho ang mga naging ex boyfriend niya.
Sagot ni Bea, “Depende kung sinong ex. Kay Zanjoe [Marudo] okay akong makipag-work,” aniya.
“Depende sa ex. Isa lang naman ‘yung ayaw kong ex,” dugtong pa niya.
“Kasi kami ni Z hindi kami ugly breakup. Until now we’re friends. It would be disrespectful to our relationship if we ended it badly. Kasi iba kapag may betrayal na factor,” espika ni Bea.
Paliwanag pa ng Kapuso aktres, handa rin daw siya sa romance movie or TV project even if it would have parallelisms with what happened in real life because she knows her limits.as an actress.
“If you’re after giving your audience a good performance, it would be helpful. So, hindi ako takot sa ganun because I know my boundaries as an actor and as a girlfriend to Dom. Alam ko ‘yung boundaries.”
Ang pinapatungkulan ngaktres ay si Dominic Roque, ang kanyang current boyfriend.
***
MAY bago raw project na gagawin si John Lloyd Cruz sa GMA-7.
Nakipag-meeting na umano si JLC kasama ang kanyang Management Team sa GMA Executives.
Ayon naman sa netizens, sana raw ay matuloy na ang project ng Kapuso para kina JLC at Bea Alonzo, overdue na raw at baka mabintalawan na at di na kagatin ng fans.
Espekulasyon naman ng ibang netizens na baka may ipapasok na kal-oveteam para sa aktor.
May mga naghihintay ding fans para sa Lloydie-Andrea Torres project.
Hindi na raw bagay sa.aktor ang may loveteam tapos na raw kasi ang era niya at di na siya ganun ka-fresh.
Sabi nga ng isang netizen, “Past his prime na sya his looks also di na pwede yan maayos he looks really old balding di na sya bagay sa ganyan na love team bagay sa kanya mga challenging roles sa tv at movie magaling naman sya.”
True naman ang komento ng netizen.
Siguro nga dapat nang ibigay na roles kay Lloydie.ay yung much challenging at di na mga pa-cute na proyekto.
Pwede ring mga bida-kontrabida or mas heavy drama.
He’s a versatile actor at carry niya kahit anumang role na kanyang gampanan.
May nagsa-suggest ngang sana raw ay Noli Me Tangere o
Maria Clara at Ibarra ang kanyang gawin para raw maiba sa mga nagawa nya dati.
Well, bakit nga ba hindi?