Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA isang interview kay Ogie Diaz, natanong siya tungkol sa ginawang pag-alis sa kanyang kwadra ni Liza Soberano at nagdesisyon na lumipat sa Careless Talent Management ni James Reid.
Ayon sa komedyante/TV host/talent manager/influencer, wala naman siyang sama ng loob sa dating alaga maging kay James. Nagpaalam naman daw sa kanya ng maayos si Liza. Kaya hangad niya na maging matagumpay ito sa pangarap na Hollywood career.
Natanong si Ogie kung kinausap ba siya ni James sa paglipat ni Liza sa kanya. Ang naging tugon niya ay hindi.
“Pero okey lang ‘yon at walang problema. Mas magkakaroon ng problema kung close kami ni James tapos hindi man lang niya ako kinausap.
“Okay lang. Siyempre, nasa tao naman ‘yun kung gustong magpaalam. Kung hindi, wala rin namang problema. Walang kaso sa akin,” sabi ni Ogie.
Sinabi pa ni Ogie na okey naman si James at matagal nang magkakaibigan ang apat— James at Liza kasama sina Nadine Lustre at Enrique Gil.
Sa pag-uugnay naman kina James at Liza, ang sabi ni Ogie, “Napaka-imposible nu’n, dahil bukod sa matagal na silang magkaibigan, sina Liza at Enrique (Gil) pa rin. Walang katotohanan na nag-break na sila”.
Ayon pa kay Ogie, hindi ganoong klaseng babae si Liza na kaagad pumapatol sa ibang lalaki.
O, ayan, coming from Ogie, walang katotohanan ang napapabalita na break na sina Liza at Enrique at si James na ang bagong kerelasyon ni Liza.
Samantala, sa pag-alis ni Liza kay Ogie, maraming lumalapit ngayon na mga magulang sa kanya para ipa-manage ang kanilang mga anak. Ang natatawang kwento ni Ogie, may dinala pa nga raw sa kanyang 3 months old na baby, at sinabing gawing ‘Liza Soberano’ na napasikat niya.
Ganu’n ka-effective kasing manager si Ogie. Kaya baby pa lang ay gusto nang ipa-manage sa kanya. Pwede rin naman kasi niyang ipasok bilang isang commercial model ng mga baby products, ‘di ba?
***
SA interview kay Ruru Madrid sa segment ng 24 Oras na Chika Minute ay tinanong siya kung sino nga ba si Bianca Umali sa buhay niya.
Hanggang ngayon kasi, kahit maraming nagpapatunay na talagang may relasyon na sila, na higit pa sa magkaibigan, hindi pa rin sila umaamin.
Matagal na silang mailap ni Bianca, na matanong tungkol sa kanilang tunay na ugnayan.
“I would consider her bilang isang tao na maraming nagagawa for me,” sabi ni Ruru.
Dagdag niya,”Hindi naging madali ang pinagdadaanan namin ni Bianca dahil pareho kaming nasa limelight. It’s hard, sobra, sobrang hirap.
“Kasi totoo yung sinasabi ng mga tao na bawat… kaunting kibot mo, may masasabi at masasabi sila.
“It’s not that gusto naming ilihim ito sa mga tao. But sometimes, ito na lang yung natitirang bagay for me na maku-consider ko na sa akin lang.”
Sa naging pahayag na ito ni Ruru, wala pa rin talagang pagkumpirma na may something nang namumuo sa kanila ni Bianca. Pero nirerespeto naman namin ang desisyon ni Ruru at maging ni Bianca kung bakit ayaw nilang aminin ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Prerogative naman nila ‘yun.