Advertisers
MAY nakatutuwang paandar ang Kapuso show na ‘Wowowin’ na naghahatid ng naglalakihang papremyo.
Ipinasilip ng host na si Willie Revillame ang bagong segment na ‘Spin A Wil’ na ang mapalad na matatawagan ay mananalo agad ng P10,000.
Kapag tama ang sagot sa tanong ni Willie, magkakaroon ang masuwerteng natawagan ng pagkakataong paikutin ang roleta.
Maraming naghihintay na prizes tulad ng PhP 10,000, PhP 20,000, PhP 30,000, PhP 50,000, PhP 100,000, Wil Kart, Kitchen Showcase, Living Room Showcase, o Electronics Showcase.
Maaari nang malaro ang ‘Spin A Wil’ kaya naman tumutok lang sa Wowowin, mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.
***
MAINGAT at mahigpit na sinusunod ng cast and crew ng bagong GMA series na ‘I Can See You: High Rise Lovers’ ang safety protocols sa taping nila na naganap noong Linggo.
Kasama na rito ang Kapuso stars na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez, at Tom Rodriguez.
Kinailangang dumaan sa swab testing ang lahat ng bumubuo ng serye bago sumabak sa taping. Kapansin-pansin din sa behind-the-scene photos ang maingat na pagsunod sa social distancing, pagsusuot ng protective gear, maging pag-disinfect at pag-sanitize ng kapaligiran.
Ang ‘High Rise Lovers’ ay kuwento ng mag-asawang dadaan sa pagsubok dahil sa kaibahan ng kanilang mga pangarap sa buhay. Makakasama nina Lovi, Winwyn, at Tom sina Teresa Loyzaga at Tetay Ocampo.
Mapapanood na ang ‘I Can See You’ simula September 28 sa GMA Telebabad block.
***
HINDI lang sa mga Pilipino tumatak ang iconic role ni Sunshine Dizon bilang si Emma sa top-rating series na ‘Ika-6 Na Utos’ dahil maging sa Ecuador ay marami na rin ang nagmamahal sa Kapuso actress.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sunshine ang natanggap na cake at bouquet mula sa kanyang Ecuadorian fans bilang pasasalamat sa pagpapaunlak ng aktres na maka-meet and greet sila via Zoom.
May kalakip ding mensahe ang naturang regalo, “We adore you as an actress, as a mom, and your personality as a whole. We hope to meet you again and you’ll have the chance to visit our country someday.”
Inaabangan din daw nila ang paglalabas ng sariling libro ng aktres, “In our country, we say that a well-rounded actress can be a great writer. So one day, we are looking forward to reading some of your books whichever genre it may be.”
“We want to let you know that you’re such an inspiration to us, especially to the women and even the younger generations. We love you so much and you will forever be our queen,” dagdag pa sa liham.
Isa ang Ika-6 Na Utos sa Kapuso shows na kasalukuyang napapanood sa Ecuador.
***
LAHAT tayo ay handang ibigay ang lahat para sa ating mga pamilya ngunit kakayanin ba natin na magbenta ng katawan?
Abangan ang Sinapupunang Paupahan: The Naneth Villegas Story sa Magpakailanman upang malaman ang kasagutan.
Ngayong Sabado na sa Magpakailanman sa GMA at may hashtag na #CarlaAbellanaOnMPK, pagbibidahan ito ni Kapuso actress Carla Abellana.
Tampok din sa naturang episode sina Ryan Eigenmann, Janine Desiderio, Ina Feleo, Orlando Sol, at Sue Prado.
Ito ay sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen. (Rommel Gonzales)