Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
INIHAYAG na ang mga nagwagi sa kauna-unahang CineIskool Short Film Lab and Festival sa award giving ceremonies na idinaos sa Gateway Cinema 1 sa Gateway Mall sa Quezon City.
Tumanggap ng tropeo at cash prizes na nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P50,000 ang mga nagwagi sa patimpalak.
Ito ang listahan ng mga nagwagi sa nasabing filmfest.
– Best Short Film: “Lapis Akong Naghihintay ng Pantasa” ni Gerald Pesigan
– Best Director: Mary Franz Salazar ni “A Million Worth Degree”
– Jury’s Choice: “Koro Kan Sadlang” ni Xavier Axl Roncesvalles
– Best Screenplay: “Higayon” ni John Paul Corton
– Special Mention: “Liwanag” ni David Mark Oray at “Jeremiah 29:11” ni Jenny Mae Limama
– Chairman’s Award: “Higayon” ni John Paul Corton
Ang awards night ay dinaluhan nina FDCP Chairperson and CEO Liza Diño, FDCP Executive Director Ria Anne Rubia, CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera, CHED Executive Director Cinderella Filipinas Benitez-Jaro, CHED-UniFAST Officer-in-Charge Executive Director Atty. Ryan Esteves, CHED-UniFAST Education Program Specialist Ms. Precila Chan, at ng CineIskool finalists na sinuportahan ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan.
Ang CineIskool finalists ay tatanggap ng consolation prize na nagkakahalaga ng PHP5,000 bawat isa.
Ang CineIskool short films ay mapapanood hanggang Hunyo 25.
Ang CineIskool filmfest ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan ng Commission on Higher Education (CHED) sa ilalim ng ahensiya nitong Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).