Advertisers

Advertisers

Nene, dinaliri ng manyakol sa likod ng trak

0 292

Advertisers

ARESTADO ang 30-anyos na lalaki nang molestiyahin nito ang 9-anyos sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspek na si Israel Barrera, ng 799 Fabia St.,Tondo. At ang biktima na 9-anyos na batang babae na hindi na pinangalanan.
Sa reklamo ng nanay ng biktima, naglalaro umano ang kanyang anak sa likuran ng nakaparang truck sa Favia St., 8:00 ng gabi nang yayain ito ng suspek.
Sumama naman ang biktima nang walang pag-aalinlangan ngunit pagsapit sa madilim na bahagi, ibinaba ng suspek ng underwear ng bata saka dinaliri.
Agad namang nakapagsumbong ang bata sa kanyang ina na siya namang humingi ng tulong sa barangay official sa Brgy. 56 zone 5, na nagresulta nang pagkakadakip kay Barrera.
Sinampahan si Barrera ng kasong paglabag sa RA 7610 na inamiyendahan bilang RA 8353.(Jocelyn Domenden)