Advertisers

Advertisers

P 6.5M LUXURY SHOES AT BAGS, NASABAT SA PORT OF NAIA

0 281

Advertisers

TINATAYANG nasa P6.5 milyong halaga ng luxury shoes at bags ang nasamsam ng Bureau of Customs ( BOC ) nang ideklarang shampoo ang nasa loob ng kargamento mula sa isang warehouse ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) lungsod ng Pasay.
Ang mga misdeclared luxury goods na nasabat sa loob ng Paircargo warehouse kinabibilangan ng handbags of Prada, Gucci, Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Christian Dior at Valentino, gayundin ang brand ng mga shoes at accessories na pawang mayroong commercial quantity.
Sa ulat, nakapangalan ang nasabing kargamento sa isang Reynaldo Tan kung saan dineklara itong personal effects na assorted clothes at shampoo na nagmula sa Maisons-Alfort, France. (Jojo Sadiwa)