Advertisers

Advertisers

Driver huli sa pagbebenta ng pekeng travel authority

0 268

Advertisers

Arestado ang 25-anyos na driver sa Pasay City nang ireklamo sa pagbebenta ng pinekeng travel authority para sa mga bibiyahe sa probinsiya.
Nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspek na si alyas Abner ang intelligence section ng Pasay City Police sa service road ng Roxas Boulevard nitong nakaraang Martes ng hapon.
Ayon kay Pasay City Police chief Col. Ericson Dilag, itinimbre sa pulis ang iligal umanong gawain ng suspek na taga-Antipolo at ibinigay sa kanila ang contact number nito.
Nagpanggap ang isang pulis na bibili ng travel authority papuntang Nueva Ecija sa halagang P4,500 para makipagkita sa suspek.
Nakumpiska kay Abner ang 5 blangkong medical certificate at isang travel authority na may pirma ng hepe ng Antipolo City Police na si Lt. Col. Jose Joey Arandia.
Pero tiniyak ni Arandia sa Pasay Police na peke ang dokumento.
Nahaharap si Abner sa kasong falsification and use of falsified documents.(Gaynor Bonilla)