Advertisers

Advertisers

Construction worker patay sa tusok ng pako

0 284

Advertisers

Nasawi ang isang construction worker ilang araw nang matusok ng kinakalawang na pako ang paa at pinabayaan ang sugat sa Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Florendo Dela Cruz, 40-anyos.
Ayon sa ulat, nakaapak si Del Cruz ng pako habang nag-iilaw sa bukid at pinabayaan nito ang kanyang sugat.
Sa death certificate ng biktima, nakasaad na tetanus infection ang ikinamatay ni Dela Cruz.
Sa report, malala na ang impeksyon nang dalhin sa ospital si Dela Cruz.
Ayon sa mga eksperto, nagmumula ang tetanus sa bakteryang “Clostridium tetani” na karaniwang matatagpuan sa lupa o maruruming lugar.
Maaaring kumalat sa katawan ang toxin na dala ng naturang bakterya kapag may sugat ang isang tao.
Ang ilan sa mga sintomas ng tetano ang mataas na lagnat, paninigas ng leeg at ibang bahagi ng katawan, at hirap sa paglunok.(PFT team)