Advertisers
UMUKIT ng bagong rekord ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena matapos masikwat ang bronze medal sa Rome leg ng IAAF Diamond League kahapon.
Nilundag ni Obiena ang 5.8 meters, at malagpasan ang dating 2020 best na 5.74 sa gold medal performance sa Ostrava, Czech Republic nakaraang Linggo.
Kinapos siya ng one centemeter sa Southeast Asian (SEA) record 5.81 meters na tinala sa nakaraang SEA Games sa Capaz,Tarlac nakaraang December.
Tinangka ni Obiena na basagin SEA record na talunin ang 5.85 meters, pero bigo at hindi natupad.
Nagtapos si Obiena sa No.2 kasama ang Belgium’s Ben Broeder, na tinalon ang 5.8 meters.
Obiena ay nagkasya sa Diamond League bronze.
Sweden’s Armand Duplantis na nagwagi ng gold medal, ay umukit ng bagong tournament high na 6.15 meters.
Ang podium finishers ay inaasahang bisita sa Doha leg ng Diamond League sa susunod na Linggo.