Advertisers

Advertisers

PBA: Mga lalabag sa protocol sa bubble paparusahan

0 245

Advertisers

Binalaan ni Philippine Basketball Association (PBA) Comissioner Willie Marcial na mahaharap sa mabigat na kaparusahan ang mga manlalaro na lalabag sa ipinapatupad nilang protocol sa PBA bubble.

Magsisimula kasi sa Oktubre 9 ang bubble na gaganapin sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Marcial ang sinumang lalabas sa bubble ng walang paalam ay papatawan ng multa ng P100,000 at mawawalan ng sahod ng isang buwan at suspendido pa ng limang laro.



Sinabi naman ni PBA vice-chairman Bobby Rosales na mahigpit nilang ipapatupad ang protocols para ang mga nasa bubble ay hindi na papayagan pang makalabas.

Magugunitang natigil ang mga laro sa PBA dahil sa ipinatupad na lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.