Advertisers
IBINAHAGI ng soon-to-be mom na si Nicole Donesa na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis dahil sa morning sickness. Kanya ring pinaglilihian ang kanyang fiancé na si Mark Herras.
“Mahirap. Ako, spoiled ako. Mahirap sa kanya, kawawa si Mark,” kuwento ni Nicole sa 24 Oras.
Ayon naman kay Mark, “Until now, ako ‘yung talagang pinaglihian niya na talagang mawala lang ako ng kaunti sa tabi niya, magagalit na siya. Aakyat lang ako sa taas, sa pinsan niya, nagagalit na sa akin.”
Limang buwan nang buntis ang Kapuso actress bago nila ito ipinaalam sa publiko. “Siguro kaya namin siya in-announce ng medyo late, siguro parang ang dami kasing nangyayaring problema sa bansa o sa mundo. Ayaw naman namin na…baka kasi sabihin ng ibang tao, nagpapapansin,” lahad ni Mark.
Dagdag pa ni Nicole, “We really want to keep it private muna. Enjoy-in muna namin bago namin i-share sa lahat.”
***
Dingdong na-miss ang menudo ni Marian
Habang naka-self quarantine si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos ang lock-in taping ng Descendants of the Sun PH, hindi nakaligtaan ng kanyang asawa na si Marian Rivera na padalhan siya ng paborito niyang pagkain.
Sa Instagram story ni Dingdong, ibinahagi niya ang pinadalang menudo ni Marian na sinamahan ng caption na, “Salamat mahal ko! I’ve been craving for this! #MenudoNiIngkang #MenudoNiMarian.”
Agad naman siyang sinagot ni Marian at pinost sa kanyang Instagram story na, “See you soon, Mahal!”
Samantala, abangan ang nalalapit na pagbabalik ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.
***
Winwyn Marquez back to work na rin
Nagsimula na ang taping ng cast ng upcoming GMA program na “I Can See You”. Kabilang sa bigating Kapuso stars na parte ng bagong handog ng GMA-7 ay sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Winwyn Marquez.
Excited itong na-share ni Winwyn sa kanyang fans sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan. Naikuwento rin niya na may takot pa rin siyang nararamdaman sa nakapaninibagong work setup, “I’m leaving this week for a lock-in taping, so ‘di ko alam kung ano i-expect ko at paano ako mag-a-adjust. I just want to be honest.
“Natatakot ako, siyempre, kasi ‘di ko alam kung papaano kikilos, ‘di ko alam kung maapektuhan ba ‘yung pag-a-acting–it’s all new, e. Siguro, I’ll just take it day by day kung paano ako mag-a-adjust sa work.”
Abangan ang magiging karakter ni Winwyn sa drama anthology “I Can See You” malapit na sa GMA. (BKC)