Advertisers
DAHIL sa live stream sa Facebook ng magdyowang Janella Salvador at Markus Paterson, napaisip na lang ang netizens sa mga dayalog ng young actress sa kanilang FB live.
“Oh my God. I almost jumped and that’s not good. I’m not allowed to jump,” sey ni Janella sa kanilang live stream.
Kaya sa dayalog na ‘yun ni Janella ay napaisip ang mga netizen kung ano nga ba ang gustong sabihin ng 22-year-old actress sa kanilang FB live stream.
Kaya naman ang ibang netizens ay binigyan ng kulay ang sinabi ni Janella na bakit nga raw siya naglulundag at nagtatatalon na hindi nito dapat ginagawa.
Kaya naman naghinala ang netizens sa litanya ni Janella at nagtanong kung preggy nga ba ito.
May sitsit pa na baka sa United Kingdom daw magsilang ang singer-actress na pawang espekulasyon pa ngayon.
Hanggang wala ngang opisyal na anunsiyo sa magkasintahan ay mananatiling fake news ang isyung pinupukol kay Janella.
***
Regine Velasquez-Alcasid nakulong sa house elevator ng 30 minutes
ANG ika-50th kaarawan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid nitong nakaraang April 22 taong kasalukuyan ay never daw nito makalilimutan.
Sa sampung taong pagsasama nila ng mister na si Ogie Alcasid, 53, wala nang maalala pa ang singer-actress na nag-away sila.
Ang pagiging Golden Girl naman ni Regine ang hinding-hindi nito malilimutan.
Matapos nga ang argumento nina Regine at Ogie nung kaarawan niya ay siya namang pagkakakulong nito sa kanilang elevator sa bahay na umabot ng 30 minuto.
Nakaramdam din daw ng takot at pangamba ang Asia’s Songbird nang makulong ito sa elevator na inisip na baka hindi na siya makalabas, pagkukuwento nito sa mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)