Advertisers

Advertisers

Magandang therapist ‘tinira’, ninakawan pa ni ‘SPO4’

0 299

Advertisers

SWAK sa selda ang isang nagpakilalang pulis nang gahasain at pagnakawan pa ang isang magandang therapist sa loob ng hotel sa Quezon City, Martes ng uma-ga.

Ang suspek ay nakilalang si Jaimir Madrid Badlis alias “Chubs”, 30 anyos, company driver ng Topspot, at residente ng No. 12 Upper Dalhia St., Pembo, Makati City.

Sa report ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), 2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Room 540 SOGO Hotel sa kanto ng Quezon at Don A. Roces Ave, Brgy South Triangle.



Sa imbestigasyon ng pulisya, inirekomenda ng kaibigang si Erich sa therapist na itinago sa pangalang Cherry, 30, ang suspek para magpamasahe sa nasabing hotel.

Nagtungo ang therapist sa hotel at matapos na magkasundo sa babayaran ay minasahe na niya ang suspek sa loob ng isang oras.

Pero nang sisingilin na ng therapist ang suspek ay biglang hinaltak ito sa kama at doon ay puwersahang hinubaran at ginahasa.

“Para wala tayong problema sumunod ka nalang at huwag kang mag-eskandalo kundi may masamang mangyayari sa iyo!”, pagbabanta ng suspek sa biktima.

Matapos ay isinakay ng suspek sa kulay silver na Innova (AAH 8261) ang therapist at habang binabaybay nila ang Panay Ave, Brgy. South Triangle, nagpakilala umano ang suspek na siya si SPO4 Conrad na nakata-laga sa Drugs at Human Trafficking Department sa Southern Police District (SPD).



Ibinaba ng suspek sa lugar na hindi pamilyar sa biktima matapos na kunin nito ang cellphone na IPHONE X na nagkakahalaga ng P38,000.

Nang makauwi ng bahay ay agad na isinalaysay ng biktima sa kaniyang boyfriend at best friend ang ginawang kababuyan ng suspek. Kaagad silang nagsuplong sa pulisya at naaresto si Chubs.

Sinampahan ng kasong Rape with Robbery ang pekeng pulis.( JUN FABON)