Advertisers
Ayon sa mga HENYO NG PAMUMOLITIKA ay hindi raw sapat ang katagang PALPAK para ilarawan si ENERGY SECRETARY AL CUSI, na siyang itinuturong dahilan sa likod ng mabigat na dagok na nagsadlak ng matinding krisis sa ating bansa.
Hindi raw kayang iwasan ng anumang bansang umaasa sa imported na langis ang epekto ng hidwaan sa pagitan ng UKRAINE at RUSSIA.. na iyan din ang paniwala ni CUSI, kasabay ng pahayag na panghihinayang sa aniya’y pinalagpas na pagkakataon ng kaniyang departamento.
Dangan kasi, matabang ang naging pagtanggap ng DOE sa alok ng RUSSIAN COUNTERPART ENERGY DEPARTMENT
na magbibigay-daan dapat para makapag-ipon ang PILIPINAS ng “BUFFER STOCK” na pwedeng gamitin sakaling tumaas ang presyo ng mga PRODUKTONG PETROLYO sa pandaigdigan merkado.
Kaso tinabla raw ni CUSI ang kasunduang binalangkas ng PNOC EC na noo’y pinamumunuan ni PNOC EC PRESIDENT PETE AQUINO at ng ROSNEFT OIL COMPANY ng RUSSIA matapos ang STATE VISIT NI PRES. RODRIGO DUTERTE sa MOSCOW noong 2017. Umaabot sa €10 BILYON ang ILALAGAK ng ROSNEFT OIL COMPANY dapat sa PILIPINAS.., kung hindi ito tinabla ni CUSI.
Rason ng pananabla…, hindi raw siya kinonsulta ng PNOC EC bago nakipag-usap at isinapinal ang kasunduan sa ROSNEFT na gaya ng PNOC EC ay meron din mandato sa exploration ng langis at gasolina. Hindi nga ba bilang SECRETARY ng DOE ay siya ring CHAIRMAN ng PHILIPPINE NATIONAL OIL COMPANY (PNOC) na tumatayong MOTHER COMPANY ng PNOC EC? Bakit hindi alam ni CUSI ang pagkakasunduan ng PNOC EC at ROSNEFT?
Batay sa ulat ni MYRNA VELASCO ng MANILA BULLETIN, nakasaad sa kasunduan ng PNOC EC at ng ROSNEFT ay:“(It) lays the basis for the development of multilateral cooperation in oil and products trading as well as for joint participation in oil refining projects.”
“Intention to sign a strategic long-term contract in the near future for delivery of crude oil to the Philippine company,” ayon sa kasunduan ng PNOC EC at Rosneft.
Ang resulta sa pananabla ni CUSI na siya rin ang CHAIRMAN ng PNOC EC sa kasunduan nito sa ROSNEFT ay napunta sa INDIA ang pabor na unang inalok sa PILIPINAS.., kaya naman ang naturang bansang dating kilala na kanlungan ng kahirapan ay isa nang nagbabadyang TIGRE sa larangan ng EKONOMIYA.., na konklusyon ng mga HENYO ay tayo ngayon ang nagkukumahog, natataranta at walang magawa sa dikta ng mga may suplay ng produktong petroyong gamit ng ating mga planta ng enerhiya, mga pampublikong sasakyan, pabrika, agrikultura at marami pang iba.
Bilang SECRETARY, kabisado ni CUSI ang kalakaran sa OIL INDUSTRY.., at batid din niyang malikot ang galawan ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.., pero ang masaklap, sukdulang ipinasuspinde pa niya si AQUINO na kalaunan ay INABSUWELTO ng OMBUDSMAN.
Sa kinasasadlakan ng bansa ngayon, hindi uubrang ikatwiran ang nakaligtaan lang niya sa dami ng kanyang mga inaasikaso.., dahil makailang ulit nang inihain sa kanyang tanggapan ang mga solusyon sa nagbabadyang krisis sa enerhiya pagsapit ng 2023.
Punto pa ng mga HENYO.., ang mga dapat na nailatag ni CUSI sa huling limang taon ay mas maraming POWER PLANTS para sa mga kooperatiba sa kanayunan at buffer stock ng langis para hindi gaanong maramdaman ang epekto sa tuwing gagalaw ang presyo sa GLOBAL MARKET.
Ang tanong – bakit niya tinabla ang BILATERAL TRADE AGREEMENT na alok ng RUSSIA? Hindi kaya siya mismo o isa sa mga kakilala niya ay may nakatagong supply ng smuggled na langis at maibebenta sa mataas na presyo dahil sa krisis?
Patutsada pa ng mga HENYO…, imbes na courtesy resignation ang isumite ay bakit gusto pa ni CUSI na mag-aplay muli ang kanyang mga alipores na Undersecretaries, Assistant Secretaries at pinuno ng iba’t ibang attached agencies ng DOE sa BBM ADMINISTRATION?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.