Advertisers
Habang patuloy niyang itinutulak ang mas mahusay na access sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa buong bansa, nagsagawa ng monitoring visit si Senator Christopher “Bong” Go sa ika-23 Malasakit Center ng bansa sa Tarlac Provincial Hospital (TPH) sa Tarlac City noong Miyerkules.
Ang programang Malasakit Centers ay brainchild ni Go na kanyang pinasimulan noong 2018. Ang center ay isang one-stop shop na pinagsasama-sama ang mga concerned agencies, tulad ng DOH, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office kung saan ang mga mahihirap na Pilipino ay maaaring humingi ng tulong medikal.
Sa ngayon, mayroong 151 Malasakit Centers sa buong bansa. Binigyang-diin ng senador na ang mga ito ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Duterte na ilapit ang gobyerno sa mga Pilipino at palakasin ang access sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, partikular sa mga mahihirap, rural at malalayong komunidad.
“Patapos na ang termino ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, ang tanong po dito (ay kung) maipagpapatuloy ba ito? Ako po’y nakikiusap sa susunod na mga mamamahala ng DOH, sa susunod na administrasyon, kung sa tingin n’yo naman pong nakakatulong po sa ating mga kababayan ay ipagpatuloy n’yo po ito na programa, dahil nakakatulong po ito sa mga mahihirap, ” apela ni Go sa isang ambush interview pagkatapos ng kanyang pagbisita.
“Umaasa po ako na maipagpapatuloy po itong programang ito dahil batas naman po ito, na-institutionalize na po ito, ito pong Malasakit Center. At isa po ito sa mga gusto ni Pangulong Duterte noon, aside from Universal Health Care, na maglagay po ng Malasakit Center,” idinagdag niya.
Si Go, na nagsisilbing pinuno ng Senate committee on health and demography, ang nag-akda at nag-sponsor ng Republic Act 11463 na nagpapatibay sa pagtatatag ng Malasakit Centers sa mga ospital na pinatatakbo ng DOH at sa Philippine General Hospital.
Alinsunod sa kanyang pangako na suportahan ang mga medikal na frontliner, isinulat at itinataguyod ni Go ang Republic Act No. 11712 na nagbibigay ng mga benepisyo at allowance sa mga pampubliko at pribadong healthcare worker sa panahon ng estado ng emerhensiyang pampublikong kalusugan.
Siya rin ang nag-akda at nag-co-sponsor ng RA 11466, o ang Salary Standardization Law 5, noong 2019 na nagbibigay sa mga empleyado ng gobyerno, kabilang ang mga nars, ng kanilang ikalimang round ng pagtaas ng suweldo.