Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA post ni Daniel Padilla ay nag-share ito ng mga dating larawan na kasama ang mga kaibigan.
Pagpapatibay nga raw na matagal na niyang kaibigan sina Joe Vargas at Patrick Sugui.
Pareho na ngang ikinasal ang mga kaibigan ni Daniel.
Sa kasal nga ng kaibigan na si Patrick at sa dyowa nito na content creator na si Aerial Garcia ay ‘di nakaaten sina Daniel Padilla at gf na si Kathryn Bernardo.
Kaya nagtataka ang netizens kung bakit di nakadalo sa kasal ng matalik na kaibigan si Daniel.
Hindi nga raw pinayagan ang aktor dahil naka-lock in taping sila sa kanilang serye.
Nang ikasal ang isa pang kaibigan na si Joe sa longtime gf na si Bianca Yanga ay hindi rin nakasipot ang couple.
Kaya napaisip na lang ang netizens na baka may something sa celebrity couple. Nagkataon daw na nagkasakit si Daniel nung araw ng kasal ng kaibigan na si Joe.
Pero patotoo ng kampo ni Daniel na walang isyu na namamagitan sa kanila. Hmmmp!?
***
GRABENG iyak ni Kim Chiu nang ibahagi nito ang kauna-unahang panonood nila ng sine ng long time bf na si Xian Lim.
Nagalingan nang bonggang-bongga si Kim kay Tom Cruise at naiyak pa ito sa nasabing film.
After 2 years ay inamin ni Kim na now lang ulit sila nakapasok ng movie house ng bf.
Sulit naman dahil Top Gun ni Tom ang kanilang pinanood sa pagbabalik ng sinehan.
After 3 years, nito lang April ay nakapag-summer vacation pa ang celebrity couple sa Thailand at talagang nilibot nila ang mga tourist spot sa nasabing bansa.
Kasal na nga lang daw ang kulang kina Kim at Xian.
Darating din daw sila sa stage ng pagpapamilya at huwag daw mainip ang mga atat nilang fans.
Well, well, well…’Yun na!