Advertisers
TAHASANG sinabi ni Vice President Leni Robredo na may karapatan siyang maghayag ng kritisismo o puna sa administrasyon, hindi dahil sa pagiging taga- oposisyon, pero bilang mamamayan din ng estado.
Pahayag ito ni VP Leni sa gitna ng mga kwestyon sa kanyang mga komento sa ilang polisiya at paghahatid serbisyo ng gobyerno.
Ayon sa bise presidente, may responsibilidad din siya bilang miyembro ng pamahalaan, at parte nito ay mabigyan ng nararapat na aksyon ang pangangailangan ng publiko lalo na sa panahon ng krisis.
Sinisiguro rin daw niyang angkop ang kanyang mga puna sa mga napapanahon at pinaka-kailangang tugunan na mga issue.
Para kay VP Leni, hindi rin hadlang ang mga kritisismo na kanya ring natatanggap para isantabi ang mga dapat niyang gawin bilang bise presidente.
Naniniwala ang pangalawang pangulo na may obligasyon din siya bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng Republika, sa kanyang mamamayan.