Advertisers

Advertisers

Awol na sundalo na miembro ng KFR timbog, lider na kumandidatong kongresista tugis

0 228

Advertisers

NADAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP AKG) ang AWOL na sundalo na sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa isang negosyante noong 2013 sa isinagawang operasyon sa Caloocan City.
Kinilala ang nadakip na si dating PFC Diosito M. Sagrada, miyembro ng Pangilinan KFRG.
Patuloy naman ang pagtugis sa lider ng grupo na si Mel Pangilinan na tumakbo bilang partylist representative noong 2013 election, at 5 pa iba kabilang ang isang agent ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa ulat, sinasabing si Sagrada ang kumidnap at pumatay sa isang Eric Constantino, negosyante, sa Paco, Maynila noong 2013.
Ayon sa report, 2:30 ng hapon nang magsagawa ng operation ang mga elemento ng AKG-IRAD sa Saint Anthony St., Brgy 186, Caloocan City.
Inaresto si Sagrada sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Lumina P Roque, Presiding Judge of RTC Branch 29, ng 4th Judicial Region, San Pablo City sa kasong Kidnapping with Homicide.
Matatandaang dinukot ni Sagrada si Constantino sa tapat ng 7/11 convenient store sa Paco at pinatay sa Nagcarlan, Laguna noong Hunyo 5, 2013.
Napag-alaman na ang motibo ng pagdukot at pagpatay kay Constantino ay sanhi ng matinding pagseselos ni Pangilinan na umano’y mayroong relasyon sa kanyang asawa ang biktima.
Sa report, kahit pinatay ng mga salarin si Constantino, tinawagan parin ang asawa nito at humihingi ng ransom.
Nasa kustodiya ng PNP AKG sa Camp Crame si Sagrada at nakatakdang iharap sa korte na nagpalabas ng warrant. (Mark Obleada/Beth Samson)