Advertisers
DALAWANG lalaki na akusado sa kasong Rape ang naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP sa magkahiwalay na operasyon nitong Miyerkoles sa Quiapo, Manila.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina John Harold Mercado, 19-anyos, delivery boy; at Jason Michael Vileran, 21, isang vendor.
Sina Mercado at Vileran ay nadakip ng CIDG Manila DFU 3:40 ng hapon sa likod ng Quinta Market at 7:50 ng gabi sa harap ng Nazareno Church, parehong sa Quiapo, ayon sa pagkakasunod.
Ang dalawang suspek ay inaresto sa bisa ng Alias Warrant of Arrest (WOA) na inisyu ni Hon. Phrincess Ma. Bajarias-Hermogeno, Acting Judge ng RTC Branch 48, Manila.
Si Mercado ay miyembro ng “Batang City Jail Gang” habang si Vileran ay miembro naman ng “Bahala Na Gang.”(PFT team)