Advertisers

Advertisers

Motorsiklo natumbok ng pick-up, buntis at backrider na lola patay!

0 332

Advertisers

CAMP PACIANO RIZAL – Dead on the spot ang isang buntis at backrider nito nang masalpok ng rumaragasang pickup truck, Toyota Hi-Lux, ang sinasakyan nilang motorsiklo sa may kahabaan ng Barangay Ibabang Butnong, Magdalena Huwebes ng umaga.
Ayon sa inisyal na ulat ni Police Capt. Ronalyn Larrosa, hepe ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Judith Pabilonia, 28, tatlong buwan buntis; at tiyahin niyang si Norieta Cabela, 58, kapwa residente ng Bgy. Buenavista.
Agad naman naaresto ng pulisya ang lasing na driver ng pickup truck na si Romeo Mejilla, 40, naninirahan sa naturang lugar.
Sa ulat, 11:00 ng umaga nang maganap ang insidente habang patungo ng kabayanan si Mejilla lulan ng kanyang minamanehong pick-up nang magtangka itong mag-overtake sa isang sasakyan kungsaan paparating naman ang motorsiklo na minamaneho ni Pabilonia at angkas ang tiyahin.
Nasapul ng pickup ang motorsiklo at magkahiwalay na tumilapon sa gilid ng palayan mga biktima pati ang motorsiklo, samantalang natumbok pa ng pickup ang tatlong poste ng Meralco dahilan para bumaligtad ito sa kalsada.
Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Double Homicide and damage to property si Mejilla. Nakapiit ito sa Magdalena PNP Lock Up Cell sa kabila ng sugatan at lasing sa alak. (Dick Garay)